115 lindol naitala sa Taal

Nakapagtala ng 115 lindol sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) bulletin alas-otso ng umaga nitong Linggo.

Mayroon pa rin umanong mahinang pagbubuga ng abo mula sa bulkan at nakapagtala ng 116 tonelada na sulfur dioxide­ emission kada araw.

Ayon sa Phivolcs, senyales ang mga naitalang lindol na mayroong magmatic activity sa loob ng bulkan na maaa­ring humantong sa pagsabog sa main crater nito.

Nananatili pa rin sa alert level 3 ang Bulkang Taal.