Panibagong bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang bumalik sa bansa matapos ang isinagawang repatriation ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa bansang Saudi Arabia.
Nabatid na 119 OFWs ay sinalubong ng mga tauhan ng DFA, Department of Labor and Employment, (DOLE), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nang lumapag bandang alas-kuwatro ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng Saudia Airlines mula sa King Khalid International Airport sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Ang nasabing mga OFWs ay pawang mga nagtatrabaho sa Saudi Oger Company kung saan pawang nagkaroon ng problema dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis sa Gitnang Silangan.