Mga laro bukas:
(MOA Arena, Pasay City)
1 p.m. — San Beda vs Mapua (jrs)
3:45 p.m — San Beda vs Arellano (srs)
Tapos na ang hulaan, San Beda vs Arellano sa Finals.
Nagtulong sina Fil-Am Davon Potts at Robert Bollick sa opensa upang biguin ang pangarap ng Perpetual Help Altas, 78-63 kahapon sa Mall of Asia Arena at isampa sa Finals ang Red Lions sa 92nd NCAA seniors men’s basketball tournament.
Matapos matalo sa Altas, 83-87 noong Biyernes sa kanilang unang Final Four match, nagpalit ng taktika ang Red Lions.
Pamatay ng San Beda ang run-and-gun type na laro pero nag half-court set sila para madepensahan ang mga malalaking players ng Perpetual tulad nina Nigerian imports Bright Akhuetie at Prince Eze na nalimitahan sa walo at anim na puntos ayon sa pagkakasunod.
Sinagpang ni Potts ang 16 points at tigatlong boards at assists habang tumipa ng 14 points si Bollick para sa last year’s runner-up San Beda.
Pang 11th straight trip sa finals na ng San Beda, haharapin nila sa best-of-three ang Chiefs na tinalo ang Mapua Cardinals, 92-80 sa isang pares ng semifinals.
Bukas ang Game 1, (3:45 p.m.) sa parehong lugar.
“Im just a simple coach who just want to win,” saad ni San Beda coach Jamike Jarin.
Ipinagmamalaki naman ni Perpetual Help mentor Jimwell Gican ang naabot ng kanyang mga bataan.
“Of course, we would have loved to play in the finals but winning our first Final Four game in a long time and coming one game close to the finals is already an accomplishment for us,” sabi ni Gican.
Tumikada si Gab Dagangon ng 16 points para sa Perpetual.
Mga iskor:
SAN BEDA 78 – Potts 16, Bolick 14, Mocon 12, Soberano 9, Noah 7, Adamos 7, Sara 6, Oftana 4, Presbitero 2, Bahio 1, Tongco 0, Alas 0, Bonsubre 0, Carlos 0, Navarro 0
PERPETUAL 63 – Dagangon 16, Singontiko 11, Akhuetie 8, Eze 6, Sadiwa 6, Ylagan 5, Coronel 3, Hao 3, Dizon 3, Pido 2, Gallardo 0, Yuhico 0, Mangalino 0
Quarterscores: 15-20, 37-30, 56-39, 78-63.