Ginahasa at tinadtad ng saksak ang isang 12-anyos na dalagita sa San Antonio, San Pedro, Laguna kamakalawa ng hapon.
Ayon sa report ng San Pedro police, bandang alas-singko ng hapon nang mangyari ang panggagahasa sa biktimang itinago sa pangalang ‘Lea’, isang 12-anyos na estudyante.
Matapos ang panghahalay ay pinagsasaksak pa ng ‘di nakilalang suspek ang biktima na nagtamo ng maraming saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nagawa naman ng biktimang makahingi ng tulong sa isang worker sa katabing pabrika kaya naisugod agad ito sa ospital matapos tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.