12-anyos kriminal aprub kay Sotto

Tiwala si Senate Pre­sident Vicente ‘Tito’ Sotto III na mayorya sa Senado ang susuporta sa isinusulong na ibaba ang minimum age of criminal responsibility (MACR) gayong sumang-ayon na si Pangulong Rodrigo Duterte at Kamara na iakyat ito sa 12-anyos mula sa dating 9-anyos.

Sa kasalukuyang Juvenile Justice and Welfare Act, 15 years old ang itinakdang MACR.

Sa MACR na 15-an­yos, imbes na mabawasan ang krimen ay nagresulta ito ng mas mataas na bilang ng pagkakasangkot sa krimen at karahasan ng kabataang nasa edad 15-anyos pababa.

“This is the sad rea­lity and one that we cannot afford to just accept or turn a blind eye to,” sabi ni Sotto.

Oras na pumabor ang Kongreso sa 12-anyos, plano ni Sotto na magpokus sa posibleng national funding para sa mga rehabilitation center na Bahay Pag-asa, kanlungan ngmga kabataang nasasangkot sa krimen.

Bukod sa age issue, sinabi ni Sotto na importante rin ang ma-update ang ilang probisyon sa batas, partikular na ang mga center.