Patay ang isang 12-anyos na bata makaraang masunog ang kanilang tahanan sa Barangay Banabahin Ilaya, Lopez, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Amor Erandio Villasanta, elementary student.

Batay sa report ng Lopez police, bandang alas-9:25 ng gabi ng sumiklab ang sunog dahil sa nag-short circuit na electric fan.

Mabilis na kumalat ang apoy at natupok ang bungalow type na tahanan ng mga biktima.

Nakulong naman sa kwarto ang bata at doon na natagpuan ang sunog na bangkay nito matapos maapula ang apoy.