by Juliet de Loza-Cudia

Inilabas ng Department of Health (DOH) ang kanilang unang naitalang biktima ng paputok sa bansa na may kaugnayan sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sa datos ng DOH, kinilala ang 12-anyos na lala­ki sa Nueva Ecija na gumamit ng 5-star firecracker,­ na kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok.

Pumutok sa kamay ng biktima ang nasabing paputok, nagtamo ng pinsala sa ikatlong daliri ng biktima na kinailangang putulin ng mga doktor.

Dahil dito, muling hinikayat ng ahensiya ang publiko na huwag nang gumamit ng paputok dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng pamahalaan at upang makaiwas sa kapahamakan.