Naudlot ang pag-alis sana ng 12 hinihinalang biktima ng human trafficking na nagtangkang umalis ng bansa sa pamamagitan ng southern backdoor matapos mabuking ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa international seaport sa Zamboa­nga City.

Sinabi ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina ang mga pasahero ay naharang noong Disyembre 17 habang pasakay ng barkong M/V Antonia patungong Sandakan, Malaysia.

Pinigil ang mga biktima na pawang mga babae, makaraang magkaiba-iba ng sagot sa tanong ng immigration officer. Dinala sila sa Zamboanga Sea-Based Anti-Trafficking Task Force.

Ayon sa ulat, mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa at hindi maipaliwanag kung bakit sila umalis sa Zamboanga. Hindi rin nila mai-detalye ang kanilang itinerary at ang kanilang layunin sa pagpunta sa Malaysia. (Mina Aquino)