Nakasamsam ng 12 bomba ang tropa ng militar matapos makasagupa ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa liblib na bahagi ng Sitio Blah, Barangay Manaulanan, Pikit, Cotabato, nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Major John Arvin Encinas, Spokesman ng AFP-Western Mindanao Command, alas-5:25 ng umaga (Dis­yembre 28) nang makasagupa ng mga sundalo ng Army’s 7th Infantry Batta­lion (IB) ang grupo ni BIFF Sub Commander Katato Samad mula sa Karialan faction sa nasabing lugar.

Nabatid na si Samad ay isang bomb maker at Special Operations Group (SOG) Battalion Commander ng BIFF 1st Division.

Agad nagsagawa ng combat operation ang tropa ng militar nang masabat ang grupo ni Samad. Nauwi sa barilan ang magkabilang panig at tumagal ng limang minuto hanggang sa magsitakas ang mga kalaban bitbit ang mga sugatan nilang kasamahan.
“Military troops currently clear the objectives and block possible withdrawal­ routes of eluding terrorists,” pahayag naman ni Maj. Gen. Diosdado Carreon, Joint Task Force Central Commander.

Sa isinagawang clearing operation, narekober ang 12 Improvised na bomba na ikinalat ng mga teroristang BIFF sa kagubatan. (Dolly Cabreza)