Labindalawang hinihinalang mga drug pusher ang napatay sa loob lamang ng 13-oras sa iba’t ibang lungsod ng Metro Manila.
Pasado alas-12:00 ng tanghali kamakalawa, araw ng Huwebes, nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaking nakilala pa lamang sa alyas na ‘Jeffrey’ sa Kalayaan Road, Kalayaan Village, Brgy. 201, Pasay City ng tanod na si Noel Santos.
Iniwan sa bangkay nito ang karatulang may nakasulat na “Tulak ako! Huwag tularan”.
Bandang alas-otso ng gabi kamakalawa nang tambangan at pagbabarilin din ng riding in tandem ang Filipino-Chinese na si Hendry Hong y Solo alyas ‘Pon-Pon’, 35-anyos, sa Dizon St., Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City.
Napag-alaman umano sa mismong live-in partner ng biktima na nakatakda sana itong mag-remit ng halagang P10,000 sa kanyang supplier ng shabu na sa Meycauayan, Bulacan na kilala lamang nila sa alyas na ‘Ale’.
Trenta minutes matapos ang insidente, pinatay naman si Adrian Santiago, 28-anyos, habang kalaro ng tong-it ang live-in partner na si Rocklyn Ison, 19-anyos, sa loob ng kanilang bahay sa Sitio 6, Brgy. Catmon, Malabon City.
Nabatid mula kina PO3 Alexander dela Cruz at PO2 Roldan Angeles, mga homicide investigator ng Malabon Police, na dati nang nakulong ang biktima ng halos isang taon sa Valenzuela City Jail sa kasong illegal possession of firearm pero nakalaya noong Hulyo 25, 2016.
Bineberipika pa ng mga awtoridad ang impormasyon na sangkot din umano si Santiago sa bentahan ng iligal na droga.
Ala-1:30 ng madaling-araw nang mapatay naman ang isa pang hinihinalang pusher na si Ramil Barameda, 41-anyos, ng Catleya St., Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City.
Sa ulat ng Anti-Drug Special Operation Task Group ng Navotas Police, nagsasagawa sila ng surveillance operation sa Road 10 nang mamataan nila ang isang nakilalang Rogelio Onate na may dalang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na inabot kay Barameda.
Agad nilang nilapitan ito ngunit bumunot umano ng baril na caliber .38 si Barameda dahilan upang paputukan na siya ng mga pulis.
Kusang sumuko si Onate na nahulihan ng dalawang plastic sachet ng shabu.
Sa Maynila, walong pinaghihinalaang drug pusher ang nasawi sa serye ng buy-bust operation na sinimulan pasado alas-kuwatro makakalawa ng hapon hanggang ala-una ng madaling-araw kahapon.
Unang napatay ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 11 si Danilo Luchaveng, 45, dating barangay tanod at taga-Binondo, Maynila nang manlaban umano sa mga umaarestong pulis dakong alas-4:35 ng hapon kamakalawa sa kanyang bahay.
Makalipas ang 25-minuto, napatay naman sa buy-bust operation ng mga tauhan ng MPD-Station 8 ang dating pulis na si Floberto ‘Berting’ Tolentino Jr., 61-anyos, matapos salakayin ang bahay nito sa Balimbing St., V. Mapa. Sta. Mesa, nang tumanggi umanong sumuko sa Oplan Tokhang sa halip ay nanlaban umano sa mga pulis.
Alas-10:45 naman ng gabi nang mapatay ng mga tauhan ng MPD-Station 10 sa buy-bust operation sa loob ng kanyang bahay sa Arellano Avenue-Riverside, Brgy. 754, Zone 81 sa Malate ang suspek na si Erwin ‘Amma’ Robles, 41-anyos, na kilala umanong drug pusher.
Dakong alas-12:30 ng madaling-araw kahapon nang mapatay din ng mga tauhan ng MPD-Station 4 ang magkapatid na Albert alyas ‘Ambet’, 52 at Adriano Aguilar, 62, alyas ‘Daddy Boy’, pawang taga-Masbate St., Sampaloc, Maynila nang manlaban umano matapos maaresto sa buy-bust.
Habang ala-una ng madaling-araw naman nang sunud-sunod na mapatay ng mga tauhan ng MPD-Station 7 ang tatlong drug pusher na sina Moises Canlas alyas ‘Astig’, 18; Matthew Buenaventura, 29; at Raymund dela Cruz, 31, na pawang nakatira sa isang barung-barong na yari sa plastic roofing material sa tabi ng riles sa 3192 Interior 35, Pilar St., Tondo.
DAPAT LANG MAMATAY SILANG LAHAT…DAHIL AYAW NILANG LUMABAN NG PAREHAS…PAKSHET!!!
KUNG MABUBUHAY PA ANG MGA KRIMINAL NA YAN…KAMING MGA MABUBUTING TAONG BAYAN PA ANG GAGASTOS SA KANILA HABANG BUHAY….PAKSHET