Aabot sa 12 terorista ang iniulat na nasawi sa patuloy na bakbakan ng tropa ng pamahalaan laban sa mga natitira pang kasapi ng Maute terror group sa nasa dalawa hanggang tatlong ektaryang lugar sa Marawi City.

Ang pagkakapatay sa 12 terorista ay matapos masawi sa bakbakan ang dalawang terrorist leaders na sina Omar Maute at Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon.

Sa nasabing opensiba, inihayag ni Joint Task Force Ranao, deputy commander Col. Romeo Brawer na umabot naman sa 13 sundalo ang sugatan sa bakbakan.

Dahil dito, sinabi ni Brawner na aabot na lamang sa 18 kasapi ng teroristang Maute ang tinutugis pa ng militar kasabay ng pagsisikap na mailigtas ang may nasa 20 pang sibilyang bihag.