Nakakaaninag ng paga-asa ang mga nagsusulong sa panukalang magkaroon ng 120 hanggang 150 days na maternity leave na maging ganap na itong batas matapos simulan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtalakay dito.

Kahapon ay sinimulan na ng House Committee on Women and Gender Equality ang pagtalakay sa House Bill 2838 na naglalayong doblehin o kaya higitan pa ang 60 days maternity leave sa mga working mothers sa bansa.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus, delayed na delayed na ang nasabing panukala dahil apat na Kongreso na itong isinusulong subalit hindi nakakalusot kahit sa committee level lang.

“Limang milyong empleyadong babae ang direktang makikinabang sa pagpapalawig na maternity leave na 120 days para sa kapwa public at private sector,” Ani De Jesus sa pagdinig kahapon.

2 Responses