120 entries sa pasabong nina Duque, Hustaya

Mas malaking prem­yong P60,000 ang handog sa “Corregidor and Asintado Fastest Win One-Cock Ulutan” na may 120 entries ngayon, Sabado, Enero 26, sa air-conditioned Las Piñas Coliseum.

Itinakda lamang sa P600 ang entry fee at P3,300 ang minimum bet sa pasabong na ito nina Fermin Duque at Nilo Hustaya.

May P1,000 agad ang unang 20 winners.

Sa Enero 30 na ang kasunod na derby ng LPC, ang taunang “Kaibigan Ng Las 3-Cock Derby.”

Sigurado na ang 35 hanggang 40 entries ang pasabong nina Atty. Jerome Alejandro at ­Eddie Alejandro.

Sa detalye: 873-040, 0929-180-0960 (Grace 1),0939-137-6455 (Grace 2) at 0915-358-2076 (Julius). (Enjel Manato)