120 saksak sa hubo’t hubad na ginang, suspek binulungan daw ng demonyo

Maging ang nakababatang kapatid ni Jay-Ar na si Ryan Jay Malano, 18, ay nakumbinsi rin ng pulisya na tumulong sa kanilang isinasagawang pag-TUGIS kapa­lit ng pangako na walang mangyayaring masama sa kanyang kuya.

Hatinggabi na nang magawang makontak ni Shiela ang kanyang kalive-in at batay sa kanilang pag-uusap, nagtungo sa bahay ng kanyang pinsan sa Libertad, Pasay city ang suspek upang maningil ng pautang na nagkakahalaga lamang ng P200.

Pinakiusapan ni Shiela ang kinakasama na makipagkita sa kanya upang makapiling ng kanilang anak na si Sophia na katatapos lamang ipagdiwang ang 1-taong gulang na kaarawan at sinabing isa­sama niya si Ryan Jay upang ma­tiyak na magiging ligtas sila sa pagbibiyahe.

Dahil sa pagnanais na makapiling din ang anak at kalive-in, pumayag si Jay-Ar sa kagustuhan ni Shiela at itinakda ang kanilang pagkikita sa tapat ng isang sangay ng McDonald fast food sa Libertad Street (Arnaiz Avenue) ng alas-2:30 nang madaling araw.

Ang hindi alam ni Jay-Ar, pakana ng mga pulis ang itinakdang pagkikita ng dalawa kaya’t makalipas lamang ang hatinggabi ay nauna nang nagtungo sa naturang lugar ang mga pulis na kinabibila­ngan nina Ssgt. Alarcon, Cpl.

Peca, Cpl. Ablaza, CMSgt Romulo Sarabia, SSgt Borban Paras, SMSgt. Renato Albaza, Jr. Pat. Marco Anthony Payumo, kasama ang mga tauhan ng PCP-2 na sina SSgt. Jessie Daculo, Cpl. Ruben Tan at Cpl. Rommel Tho matapos ang ginawang pakikipag-ugnayan sa Pasay City Police