120 saksak sa hubo’t hubad na ginang,suspek binulungan daw ng demonyo?

Nang hapon din yun, nabahala na si Mang Benjamin dahil inabot na ng dilim ay wala pa ang mag-asawa para sunduin ang kanilang anak kaya’t pasado alas-7:00 ng gabi nang ipasiya na niyang magtungo sa inuupahang bahay ng dalawa.

Pagsapit ni Mang Benjamin sa tinitirhang bahay ng anak dakong alas-7:30 ng gabi, nagulat siya dahil hindi naka-lock ang pintuan nang kanyang itulak at lalu pa siyang nagimbal nang makita sa loob ng bahay ang bangkay ng anak na walang anumang saplot sa katawan at tadtad ng napakaraming saksak sa dibdib, likod at maging sa hita at binti.

Nanikip ang dibdib at hindi halos makahinga sa pagkabigla si Mang Benjamin nang matunghayan ang kalunos-lunos na sinapit ng anak bagama’t kinailangan niyang paglabanan ang nararamdaman upang maipabatid sa kinakasama ng anak at sa pulisya ang pangyayari.

Sa sinumpaang pahayag naman ni Abel sa pulisya, pagkagaling ani­ya niya sa trabaho ay dumiretso na siya sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng asawa upang sunduin ang ginang, tulad ng araw-araw niyang ginagawa, para sabay na silang magtungo sa bahay ng biyenan para naman sunduin ang kanilang anak.