120 saksak sa hubo’t hubad na ginang,suspek binulungan daw ng demonyo?

Walang awang pagpaslang sa dalagang advertising executive

Sa isang pribado at hindi kalakihang kompanya sa Masangkay Street, Sta Cruz, Manila namasukan bilang se­cretarya si Florinda at kahit hindi naman kala­kihan ang kanyang ­suweldo, sapat naman para sa kanyang sarili at tulong sa kanyang pamilya.

Minabuti ni Florinda na sa malapit at pribadong kompanya sa Maynila siya magtrabaho sa halip na humanap ng malaking kompanya sa lungsod na Makati dahil nais niyang makauwi kaagad kapag natapos na ang oras ng kanyang trabaho upang makatulong sa magulang at kapatid sa pag-aalaga sa kanilang bunsong kapatid.

Sa kabila ng kawalan ng interes na magkaroon ng sariling pamilya lalu na’t abala na rin sa pagta-trabaho at ­pagtulong sa mga magulang at ­kapatid, hindi rin ­naiwasan ni Florinda na mapansin ang magandang ­pakikitungo sa kanya ng ­nakatalagang security guard ng ­kompanyang pinaglilingkuran.

Dahil walang karanasan sa tawag ng pag-ibig, noong una’y ­hindi pinapansin ni Florinda ang kakaibang atensiyong ­ipinagkakaloob sa kanya ng kanilang security guard na si Abel Pecayo lalu na’t mas bata ng pitong taon sa kanya ang lalaki.

Pakiramdam ni Flo­rinda, nakatatandang kapatid o ate lamang ang turing sa kanya ni Abel, bukod sa nakikita niya rin sa lalaki ang ­ugali ng kanyang nakababatang kapatid noong hindi pa nadidisgrasya sa Saudi Arabia.

Gayunman, nang simulan ni Abel na magprisinta na ihatid siya sa kanilang bahay sa halip na matulog lalo na’t alam niyang puyat ang lalaki sa magdamag na pagbabantay sa ­kompanya, ­nakaramdam siya ng kakaibang ligaya ­dahil sa ­importansiyang ipinakikita sa kanya ng itinuturing niyang ­kaibigan.

Una’y naiilang pa si Florinda sa paghahatid at minsa’y pagsundo sa kanya ni Abel subalit ­kalaunan ay nakagaanan na niya ng loob ang ­lalaki lalu na’t ­nakikita ­naman niya rito ang ­katapatan at walang halong ­pagsasamantala nito.
Tulad ni Florinda, wala ring pananagutan sa buhay si Abel at dahil naging malapit na sila sa isa’t-isa, hindi na nailang na ­magtapat ng ­kanyang pag-ibig ang ­lalaki na ­hindi na rin ­naman ­ikinagulat ng ­babae lalu na’t ­nararamdaman na niya ang kakaiba at ­espesyal na pagtingin nito sa kanya.