Nakalinya ang 120 sultada sa patok na “Boss A and Gabriel One-Cock Timbangan” ngayon sa air-conditioned Las Piñas Coliseum.
Taya ang P170,000 sa palabang ito nina coliseum manager Alex Tobias at Engr. Joel Gabriel. Ang entry fee ay P2,200 at ang minimum bet ay P5,500.
“Eksakong 1:00 p.m. ang umpisa ng mga sultada,” pahayag kahapon ni LPC pit llamador Cris Villanueva.
Ang mga premyo sa fastest win champ hanggang 7th fastest win ay P10,000 bawat isa; sa any three wins ay P60,000 at sa any 4 wins ay P40,000.
Inaabangan din ang malaking paderbi ng LPC ngayong summer, ang “Boss Alex 4-Cock Derby” sa Abril 24. Hindi bababa sa 60 sabungero ang mga inaasahan dito.
Sa mga detalye pa, kontakin lang sina Grace I, Grace 2 at Julius sa 873-1040, 0929-180-0960, 0939-137-6455 at 0915-358-2076.