123 pasyente ng Covid ligtas sa PSC-NAS

Nailigtas sa panganib ang lahat ng mga dinalang pasyente na dinapuan ng coronavirus disease 2019 sa Ninoy Aquino Stadium (NAS) ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Malate, Maynila para sa matagumpay na zero death case.

Sinalba ng NAS na isa sa mga pasilidad ng PSC na ginamit bilang “We Heal as One Centers” sa mga pasyente ng Covid-19, ang pinauwi na ring 123 survivors habang walang naitalang binawian ng buhay.

“Malaking pasalamat po natin sa Panginoon dahil wala pong namatay sa ating mga pasyente. Napakagaling po ng ating AFP (Armed Forces of the Philippines) medical doctors dahil ginawa po nila ang mga nararapat talaga,” bulalas kahapon ni PSC Security Supervisor Angel Dayag matapos i-discharge ang 123 survivor at agad isinagawa ang full disinfection at repair Lunes na magtatagal hanggang Biyernes sa facility. (Lito Oredo)