1,250 manggagawa stranded sa Boracay – mayor

Binigyang ayuda umano ng lokal na pamahalaan ang 1,250 manggagawa sa Boracay Island na stranded ayon kay Malay acting Mayor Frolibar Bautista.

Nagpaabot na umano ng mga food pack ang lokal na pamahalaan ayon kay Bautista sa virtual press briefing.

Simula noong Marso, pinagbawal na ang pagpunta ng mga turista sa isla ng Boracay bilang pag-iingat sa coronavirus pandemic.

Sinabihan din umano ang mga manggagawa na umalis sa isla, pero may ilan sa kanila ang pinili na manatili rito, ayon sa alkalde.