127 may sakit, matatandang preso palalayain sa susunod na linggo

Aabot sa 127 preso na may sakit at matatanda na ang palalayain sa susunod na linggo sa pamamagitan ng ipinagkaloob na pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos makatanggap ng update kay Executive Secretary Salvador Medial­dea sa ginanap na cabinet meeting noong Lunes.

Nabatid kay Aguirre na magkatabi umano si Pangulong Duterte at na­laman nito kay Medialdea na hindi pa napi­pirmahan ang pardon at nangako ito na aaprubahan ang pardon sa susunod na linggo.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte noong nakalipas na Nobyembre na magkakaloob siya ng executive clemency sa lahat ng inmates may edad 80 na nakapagsilbi ng sentensiya na 40 taon pataas at karapat-dapat nang mapalaya.

Ang pangako ay ini­hayag ni Pangulong Duterte matapos pagkalooban ng absolute pardon ang actor na si Robin Padilla, na nagbalik sa kanyang civil at political rights.