Balik-regular training schedules ang129 military-athletes na mga kasapi ng iba’t ibang Philippine Sports Commission (PSC) national training pool nang maayos na ang memorandum of agreement sa kanilang detailed services mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pinadala na ni PSC Liaison Officer to the military Sgt. Angel Dayag, nung Biyernes kay PSC chairman William Ramirez ang MOA na pirmado ni AFP Chief of Staff Gen. Ricardo Visaya nagpapahintulot sa national athletes na mga kabilang sa military service para mapasailalim sa kanilang mga national sports associations (NSAs) at PSC.

“Only those new enlisted personnel na lamang ang hindi pa nabibigyan ng DS order,” paghirit ni Dayag.

Nakatawan ang 129 national athletes, hindi pa kabilang ang mga national coaches, buhat sa tatlong AFP major services na Philippine Navy (PN), Philippine Army (PA) at Philippine Air Force (PAF). Ang iba pa ay galing sa Philippine Coast Guard (PCG).

Tatagal ng tatlong buwan ang DS order para sa mga atleta bago muling hilingan ng bagong MOA para manatili ang mga national athletes sa kanilang pagti-training.

“Before kasi, one year ang agreement natin with the AFP, but mayroon kasi tayo na hindi nag-rereport sa kanilang mga mother units so nalalagyan ng Absent Without Official Leave (AWOL).

That is why right now, after three months, back to mother unit muna sila to report and then saka na lang ulit babalik sa training kapag may DS order na uli,” panapos ni Dayag.