Isang 13-anyos na dala- gita ang naitala sa bagong kaso ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-2019) sa Pilipinas.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), ang dalagita na ika-135 pasyente ay nakatira sa Quezon City.

Ito ang pinakabatang biktima ng mabagsik na virus. Walang travel history ang dalagita at wala ring nakasalamuha na kumpir- madong kaso ng COVID-19.

Nabatid na Marso 4 nang magkaroon ito ng mga sinto- mas at nagpositibo sa virus nitong Linggo, Marso 15.

Inaalam pa ng DOH kung saang ospital ito na-admit subalit unang nagpatingin ang dalagita sa Quezon City Health Department. (Ray- mark Patriarca)