Nakiusap ang Department of Transportation (DOTr) sa Inter Agency Task Force (IATF) na payagang ituloy ang 13 Build, Build, Build project na karamihan ay nasa riles ng MRT, LRT, subway.

Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, pinayagan sila at nag-umpisa na sila noong nakaraang linggo.

Dagdag pa niya, hindi maaaring itigil ang construction dahil malaki ang ambag nito sa ekonomiya at nakakapagbigay ito ng maraming trabaho.

“Pumayag naman po ang IATF at nag-umpisa na po kami last week. Hindi po kasi pwedeng itigil ang construction ng mga ito dahil malaki ang ambag sa ekonomiya at para makapagbigay trabaho din sa ating mga kababayan,” aniya. (Eralyn Prado)