Nangako kahapon ang Philippine National Police (PNP) na muli nilang kakasuhan ng kasong kriminal at administratibo ang 13 pulis na sangkot diumano sa kontrobersiyal na anti-drug operation sa Pampanga noong 2013.

Sa pagdinng ng Senado, tinanong ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Maj. Gen. Amador Corpus ang kanyang basehan sa pag-demote ng 13 pulis sa halip na ipatupad ang orihinal na dismissal order.

Si Corpus ay dating Central Luzon Poice chief nang ma-demote ng isang ranggo ang mga pulis-Pampanga noong 2017.

Tinanong pa ni Gordon kung kinukonsidera nito ang paghahain ng kaso laban sa mga pulis at sinabi naman ni Corpuz na isasangguni niya muna ito kay PNP Chief Oscar Albayalde.

“So you will conduct the investigation and file the case?” tanong ni Gordon na sinagot naman ni Corpuz na, “Upon instruction of the PNP chief, sir.” Sabi naman ni Alba­yalde, “We will, sir. We will.” (Dindo Matining)