13 timbog sa Quezon buy-bust

Arestado ang apat na drug pusher at siyam na mga user sa buy-bust ope­ration sa Brgy. Ma­labanban Sur, Candela­ria, Quezon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang apat na pusher na sina Jelmer Lagaran Babuena, Emerlito San Juan Pasumbal, Ronaldo Gusto Elona at Jayson Prago Legion na pawang hindi na nakapalag matapos dakmain ng mga tauhan ng Candelaria Police Station sa buy-bust.

Naaresto naman ang siyam sa loob ng isang bahay na hinihinalang mga kostumer ng mga naunang nahuling suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang apat na pirasong P500 marked money at mga sachet ng shabu.