133 nalason sa Christmas party spaghetti

Umabot sa 133 na mga estudyante sa Lianga, Surigao del Sur ang nalason matapos kumain ng handang spaghetti at manok sa kanilang Christmas party.

Isinugod sa Lianga District Hospital ang nasabilang bilang na estudyante, na nasa edad 5 hanggang 10, ng St.

Christine Elementary School nang makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos ang kanilang party noong Sabado ng umaga.

Nakalabas na sa ospital ang karamihan sa mga estudyante matapos malapatan ng lunas, habang patuloy pa ang obserbasyon sa 31 iba pa na naka-confine pa sa pagamutan matapos makaranas ng dehydration.

Iniimbestigahan na ang dahilan ng pagkalason ng mga estudyante.