Pinal na ang 135 taong pagkakabilanggo na sentensya sa dating Mayor ng Guinobatan, Albay matapos ibasura ng Sandiganbayan ang kanyang motion for reconsideration (MR).

Si dating Guinobatan, Albay Mayor Juan G. Rivera ay unang sinentensyahan ng Sandiganbayan Second Division noong Hulyo 20, 2016 ng guilty sa 17 counts ng malversation of public funds.

Bukod sa 135 taong pagkakabilanggo ay pinagmumulta din si Rivera ng P302,356 kaya noong Agosto 4, 2016 ay naghain ito ng MR ­subalit hindi nito nakumbinsi ang korte na baliktarin ang kanilang unang hatol.

Nag-ugat ang kaso ng dating ­alkalde sa ­kanyang 17 cash advances mula Hunyo 1998 hang­gang Abril 2001 na nagkakahalaga ng P357,956.08 subalit hindi umano niya ito ­ni-liquidate.

One Response