Nasa 138 pa ang bilang ng mga Maute fighters na nasa Marawi City.
Ito ay base sa assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon kay Col. Jo-ar Herrera, spokesperson ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army.
Ito na lamang umano ang bilang na kanilang hinahabol sa ngayon kaya patuloy ang airstrikes at pagkilos ng kanilang ground troop.
“Ngayon ay pakonti nang pakonti itong kinu-confront natin dahil marami na rin po yung sabi nga nila umalis doon sa area. Meron din tayong nahuli na ito ay sumasabay po sa trapped civilians…at meron po tayong investigation na ginagawa,” ani Herrera.
Sa ika-dalawang linggo ng bakbakan sa Marawi City, 38 ang casualty sa panig government troops at tatlumpu ang mga napatay na sibilyan.