Tinatayang nasa 14 barangay sa Pampanga ang lumubog dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan kahapon.

Ayon sa tala ng Central Luzon Regional Disaster Risk Reduction Management Council kabilang sa mga binahang barangay ay ang Bagang, Masantol;Sagrada, Masantol; San Isidro Matua, Masantol.

Kasama rin sa mga barangay na binaha ay ang mga Bebe Anac, Masantol; Nigui, Masantol; Alalui, Ma­santol ;San Agustin, Masantol; San Nicolas, Masantol; Sto. Niño,Guagua; San Vicente, Guagua; San Pedro, Guagua; San Agustin, Guagua; St. Jude Phase 1, CSFP, Pampanga at Sta. Rita, Olongapo City.

Naitala ang pagbaha ng mula isang talampakan hanggang anim na talampakan.

Nagkaroon din ng minor landslide sa Gordon Heights at Ohio, Kalaklan, Olongapo City.