Mga laro ngayon (MOA Arena)
2:00 p.m. — NU vs. FEU
4:00 p.m. — Adamson vs. La Salle

Araw ng mga dehado­ sa Season LXXIX ng UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena matapos magpanalo ang mga nasa ilalim ng team standings na University of the East at University of the Philippines.

Ginilitan ng Red Warriors ang University of Sto. Tomas Growling Tigers, 71-61, pinabagsak ng Fighting­ Maroons­ ang Ateneo Blue Eagles, 56-52, sa pangalawang­ laro.

Nilista ng UE at UP ang 2-6 cards kasalo ang UST sa sixth spot.

Nagsalansan si team captain Jett Manuel ng 15 points para kalsuhan ang 14-game losing skid ng Fighting Maroons sa Blue Eagles sa loob ng ­pitong taon.

“We’re not going to wait seven years for a win versus Ateneo,” saad ni UP coach Bo Perasol.

“We really believed that we were better than 1-6. We could have won a couple more games.”

Umiskor ng anim na sunod ang Ateneo para tapyasin sa isang puntos ang lamang ng UP, ­pero nagbaon si Gelo Vito­ ng panelyong tres para sa 50-54 abante ng Maroons 16.4 seconds na lang sa laro.

Luhod sa unang anim na laro ang Red Warriors bago naihabol ang p­analo sa huling match sa first round kontra ­Adamson, 65-57.

Kinamada ni Mark Olayon ang 14 points at seven rebounds para sa Red Warriors na pinuwersa­ ang Tigers sa 23 turnovers sa first half.

May 21 points si Louie Vigil sa UST, may 21 ­rebounds at 10 points si William Afoakwah.