Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ­ginawang pagpapalaya sa 14 sentensiyadong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa New Bilibid Prison.

“I just released about 14 prisoners from Bilibid, iyong mga komunista na convicted na,” paghahayag ni Duterte nang magtalumpati sa Filipino community sa Hong Kong kagabi bago ito lumipad patungong China para sa dalawang araw na pagbisita.

Ginawa ng Pangulo ang anunsyo sa mga pinalayang rebeldeng NPA bago ipakilala ang mga makakaliwang miyembro ng kanyang gabinete na kinabibilangan nina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at National Anti-Poverty Commission chair Secretary Liza Maza.

“We’re talking to the NPAs,” giit ni Duterte.

Inamin din ng Pangulo na nahihirapan siyang makipag-usap sa mga komunista pero hindi ­naman, aniya, imposibleng magkaayos.

Samantala, hindi pa inilalabas ng Malacañang ang mga detalye at pa­ngalan ng mga pinalayang komunista.

6 Responses

  1. Hindi natin alam kung ang 14 Communist ay mga hinuli ng Military na may safe passage for negotiation. Let’s not jump into conclution without knowing the details.

  2. Namimili kayo ng mga pinapakawalan. Dapat lahat na para sa tunay na pagbabago. Tutal inumpisahan nu na rin lang kay Napoles at Reyes ng Palawan. Mabuhay ka Dutete.

  3. Ibalik ulit sa kulungan yan, habang buhay ikulong dahil pinakawalan niyo mamumundok ulit yan at papatay ulit ng mga sundalo at pulis ang mga Satanas na NPA na yan!