14 tepok sa Bulacan drug-bust

dead body

Umabot sa 14-kataong sangkot sa illegal drugs ang napatay ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) sa Malolos City ngayong buwan ng Hulyo.

Base sa impormasyong nakalap sa tanggapan ng BPPO-Malolos City, ang mga napatay na shabu pusher ngayong Hulyo ay nanggaling sa bayan­ ng San Rafael, Norzagaray, Guiginto, Bocaue at Malolos City.

Hindi pa kabilang sa nasabing talaan ang pitong kaso ng extrajudicial killings habang sumampa sa 192 tulak at drug addict ang nadakip ng kapulisan na malaking porsiyento ay nanggaling sa bayan ng Sta. Maria, Balagtas at Obando.

Inaasahan pang lalong palalakasin ng kapulisan sa Bulacan ang serye ng buy-bust operation sa lalawigan.