140 bagong kaso ng SARS-like virus naitala sa China

Nakapagtala ng 140 bagong kaso ng SARS-like virus sa China at pinangangambahang kakalat pa ang misteryosong sakit dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga Chinese na bibiyahe para salubu­ngin ang Lunar New Year.

Sa ngayon, umabot na sa 201 katao ang nakitaan ng bagong coronavirus strain na unang nadiskubre sa lungsod ng Wuhan.

Pinangangambahan ang pagkalat sa China ng SARS-like virus dahil tuwing Chinese New Year ay marami sa kanilang mamamayan ang bumibiyahe para dalawin ang kanilang mga pamilya sa iba’t ibang dako ng bansa.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Wuhan Deputy Mayor Chen Xiexin na naglagay na sila ng mga infrared thermometer sa mga paliparan at railway station para matutukan ang mga nagtataglay ng mga sintomas ng nasabing sakit.