15-anyos ginahasa ng stepdad

Arestado ang isang tricycle driver matapos gahasain ang 15-anyos na dalagitang anak ng kanyang ka-live in sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. La Huerta Parañaque City.

Kinilala ang suspek na si Danilo Gamil y Cajayon, 54, ng Bagong Parañaque Homes.

Base sa salaysay ng biktimang itinago sa panga­lang ‘Loren’, grade 9 student, ala-una Lunes ng hapon nang umalis ang kanyang ina at habang nasa sala ito sinamantala umano ni Gamil ang pagkakataon para hubaran siya at hipuan sa iba’t ibang parte ng katawan hanggang sa gahasain.

Pinagbantaan pa ng suspek ang biktima na huwag magsumbong sa kanyang ina at kung hindi ay papatayin umano sila. Gayunman, nagsumbong si Loren sa kanyang tiyahin na nagresulta sa pagkakaaresto ni Gamil.

Pagdating sa himpilan ng pulisya, todo tanggi ang suspek sa krimen pero hindi ito pinakinggan ng kaanak ng biktima at tinuluyang kasuhan ang suspek ng rape. (Armida Rico)