15 bangko bibigyan ng grado sa climate change

Susuriin ng Withdraw from Coal coalition ang 15 bangko sa bansa para bigyan ng grado ang kanilang ginagawa para makatulong sa climate change at environment.

Inilunsad ng WFC ang Coal Divestment Criteria and Scorecard, isang tool para matulungan ang mga bangko at kanilang mga stakeholders suriin ang kanilang mga pautang at agad makita ang mga panganib na maaring magagawa ng mga proyektong popondohan nila.

Tatlo ang criteriang tinitignan sa scorecard para sa mga bangko: ang pautang sa coal projects, kung may plano itong pakawalan ang mga pautang sa coal projects at ang mga ginagawa nito para sa climate.

Ayon kay WFC convenor and executive director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) Gerry Arances, nakikita na ng marami ang malaking papel ng mga bangko at iba pang mga financial institution sa climate change at malaki ang responsibilidad ng mga ito pagdating sa isyu.

“Many groups forming the divestment movement around the world have taken action to help keep banks and financial institutions on track, or to aid them in starting their move away from coal and other fossil fuel. The same is needed in the Philippines,” sabi ni Arances.

Isa ang Pilipinas sa 10 mga bansa na pinakamapipinsala sa climate change kaya kailangan nitong kumilos agad pagdating sa isyu na ito.

At kahit pa nag-uumpisa nang lumipat sa renewable energy sources ang bansa, dumadami pa rin ang paggamit ng coal sa Pilipinas.

“The situation is not only inconsistent with the needed responses to the climate emergency but also to international commitments to greenhouse emissions reduction targets. Despite these, Philippine banks continue to play a key role in the proliferation of coal in the country,” dagdag ni Arances.

Mula 2009 hangang 2019, 15 sa mga bangko sa Pilipinas ang nagpautang ng $12.63 bilyon sa coal industry, kasama na sa coal plants, mga minahan at infrastructure para dito.

Sanabi ni Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos Diocese, maituturing ang mga pautang ng bangko na panggatong kaya’t nabubuhay pa rin ang coal industry.

“We need to ask them to stop funding these industries. We want a clear policy direction from them on the phaseout of coal from their investment portfolios, because with it, they can begin withdrawing from coal and investing instead in clean energy for all,” sabi ni Alminaza. (Eileen Mencias)