Umabot na sa 15 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na dengue sa probinsya ng South Cotabato.
Naitala sa Bayan ng Banga ang pinakahuling namatay sa nasabing sakit.
Base sa record ng South Cotabato Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU), ang bayan ng Tupi at Surallah ang may pinakamataas na record ng mga namatay dahil sa dengue.
Napag-alaman na mula noong Enero hanggang Setyembre 3 ngayong taon umabot na sa halos 4,000 na kaso ng dengue ang naitala sa probinsya na mas mataas ng 92% kumpara noong nakaaraang taon.