Kinumpleto ni Fil-Japanese Yuka Saso ang wire-to-wire victory matapos itarak ang 71 kahapon sa ladies division ng Philippine Amateur Golf Championship sa Riviera’s Couples course sa Silang, Cavite.
Nirehistro ni 15-year-old Saso ang 279 aggregate kahit nag double-bogey, bogey-par finish, sapat para siwatin ang korona matapos ang apat na rounds.
Kumunekta si Hee Ji Kim ng Korea ng 72 tungo sa 288 para hablutin ang runner-up habang ang last year’s champion Harmie Constantino na nagtala ng 72 at makalikom ng 290 ay nakopo ang third.
Pumang-apat si Pajaree Anannarukan (73-292 total) Thailand sumunod sina Nur Durriyah Damian (74-296) ng Malaysia, Ji Hyeon Lee (77-299) ng Korea at Hwang Min Jeong (70-300), Lois Go (71-304), at Katie Kim ng Malaysia at Bianca Pagdanganan na magkasalo sa ninth sa binanatan na 316 matapos ang 74 at 77 iskor ayon sa pagkakasunod.
Samantala, kumana si Sadom Kaewkanjana ng Thailand ng 71-283 total para magkampeon sa men’s play.
Nauwi ni Joo Hyung Kim ng Korea ang runner-up habang tersero si Yuto Katsuragawa ng Japan.