Nanumpa ng katapatan sa pamahalaan ang 1,500 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) front organizations sa Cagayan.

Ang mga dating miyembro ng Anakpawis, Bayan Muna, Kadamay, Caguimu­ngan, Anakbayan, Gabriela at Makabayan ay nagtipon kamakalawa sa Caga­yan Provincial Capitol para sa flag raising ceremony at oath of allegiance.

Itinakwil ng mga ito ang korapsyon, panlilinlang at pag-abuso sa karapatang pantao ng mga NPA front ­organization na kanilang dating kinaaniban at nagpahayag ng pagsuporta sa peace and development ­efforts ng pamahalaan.

Sa testimonyang ibinigay ng ilang mga miyembro, ­tinukoy nila na ginagawang money-making activity lang ng kanilang mga ­lider ang kanilang mga ­dating ­organisasyon, kung saan na-e-­exploit umano ang mga mababang miyembro.

Nagpasalamat naman si Brig. General Alden Juan Masagca, commander ng 5th Infantry Division na sakop ang Cagayan at Cordillera Autonomous Region (CAR), sa boluntaryong pagbabalik-loob ng mga dating NPA supporter sa pamahalaan. Gayundin sa pagtitiwala sa peace efforts ng gobyerno. (Edwin Balasa)