151 illegal POGO worker nalambat sa QC

Kalaboso ang 151 dayuhang nagtatrabaho sa hindi rehistradong Philippine offshore gaming operators (POGO) firm nang mahuling nagpapatuloy ang operasyon sa Quezon City, noong Martes.

Sinalakay umano ng mga awtoridad ang nasabing iligal na kompanya sa Scout Lascano St., sa Brgy. Laging Handa alas-8:30 ng gabi, makaraang makatanggap ng impormasyon na nagsasagawa ng operasyon ang iligal na POGO sa lugar.

Nasamsam sa mga dayuhang manggagawa ang cellphone, desktop computer, laptop, router modem at iba pang gamit nito sa kanilang operasyon.

Nasa kustodiya ng Regional Special Operations Group sa Taguig City ang mga nahuling suspek para sampahan ng kaukulang kaso.