154 OFWs balik-bansa

Panibagong bilang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang dumating sa bansa mula sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) na kabilang sa mga na-stranded sa nasabing bansa.

Ganap na ala-1:30 ng hapon nang lumapag ang Saudia Airlines flight SV 872 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 154 OFWs na sinalubong ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) officer-in-charge Carmelina F. Velasquez at iba pang opisyales ng pamahalaan.

Agad na isinailalim sa distress debriefing ang mga nasabing OFWs at ipinabatid ang mga programa at tulong na maaaring matanggap ng mga ito sa ahensya.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 2,031 OFWs ang nakabalik ng bansa mula Hulyo hanggang Oktubre 24, 2016.