Dumating na sa Pilipinas ang 74 mga distressed overseas Filipino worker (OFW) mula sa Abu Dhabi at 84 mula Dubai, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).


“In line with President Rodrigo Duterte’s commitment to protect the welfare and well-being of Filipinos overseas, we welcome home this morning 158 OFWs, most of whom were victims of trafficking in persons,” sabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.

Walang maayos na travel document o hindi naiulat na umalis sa Pilipinas ang mga iligal na OFW.

Nasa 135 milyon na ang nagastos ng gobyerno upang pauwiin ang 4,800 OFW mula sa United Arab Emirates, ayon sa DFA.

Samantala, nagbabala naman ang ahensiya laban sa human trafficking.