16-anyos ginahasa ni ‘tatay’

rape

Napariwara ang isang 16-anyos na dalagita sa itinuring pa man din niyang tatay matapos gahasain siya sa loob ng bahay nito sa Makati City.

Batay sa nakalap na ulat, nagsumbong sa Makati Police Station ang mga kaanak ng biktima na sadyang hindi na pinangalanan at mabilis namang umaksyon ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kinilalang si Nelson Tumaliuan, nasa hustong gulang.

Nabatid na nakilala lamang ng dalagita ang suspek dahil sa mga kaibigan niya at bilang mas matanda sa kanya ay tatay na ang kanyang tawag dito.

Lumalabas naman umano sa medico-legal exa­mination sa dalagita na negatibo sa sugat ang ari nito pero sinabi ng pulisya na hindi ito basehan para mapatunayan na nagahasa ang isang biktima at magpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Todo-tanggi naman ang suspek sa akusasyon laban sa kanya at sinabing nasa bahay lamang siya maghapon at hindi niya nakikita ang biktima.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng kasong rape at paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act laban sa suspek.