16-anyos na sex worker inumbag ng kostumer

arrested

Isang lalaki ang dinakip nang bugbugin nito ang isang menor de edad na sex worker na tumangging makiĀ­pagtalik sa kanya kapalit ng P1,000 sa Brgy. Tungkong Mangga, San Jose del Monte(SJDM)) City, Bulacan kamakalawa nang gabi.

Sa report kay P/Lt. Col. Emma Libunao, acting police director ng Bulacan Police, nakilala ang suspek na si Jayson Adrales y Acuin, laborer at residente rin sa siyudad, na nakapiit na ngayon at nahaharap sa kasong kriminal makaraang saktan ang 16-anyos na biktimang itinago sa pangalang Nena.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente kamakalawa nang gabi makaraang saktan at bugbugin ng bagong suweldong si Adrales si Nena nang tumanggi itong makipagtalik kapalit ng P1,000 bayad.

Dahil sa tinamong pambubugbog ay pumayag na ang dalagita sa gusto ng suspek hanggang sa dinala siya ng suspek sa bakanteng lote sa Brgy. Tungkong Mangga at doon siya nagparaos.

Nai-report naman agad sa barangay tanod ang ginawa ng suspek sa biktima kaya kaagad itong nadakip at nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso. (Jun Borlongan)