GENERAL TIÑIO, Nueva Ecija — Ginahasa at pinaslang ng isang 15-anyos na umano’y ba­ngag sa droga ang isang 16-anyos na dalaga noong Lunes ng madaling-araw sa Brgy. Poblacion Central sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Sr. Inspector Joey Cabatin, nakilala ang biktima na si Alexandria Genesis Padolina Ma­nabat, grade 11 sa General Tiñio National High School na namatay dahil sa mga tinamong saksak sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon, dakong ala-1:25 ng madaling-araw ng may magsumbong na nakita ang sa­larin na si Patrick James Manuel, residente ng Brgy. Pulong Matong dito at grade 7 din sa Gen. Tiñio National High School, na lumabas na walang suot na pang-ibaba mula sa bahay ng biktima.

Tumibay ang kaso laban sa naarestong si Ma­nuel dahil sa mga narekober na underwear, jogging pants at 13 pulgadang patalim sa silid ng biktima.