16-ANYOS PATAY SA BUY-BUST!

Nagdadalamhati nga­yon ang pamilya ng isang 16-anyos na binatil­yong estudyante na napatay kasama ang isang pinaghihinalaang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Baguio City nitong Biyernes.

Kinilala ang nasawi na si Richter Baykin, estud­yante ng Pines City National High School.

Napatay din ang kanyang kasama na kinila­lang si Genard Palomique alyas ‘Nash’, na umano’y nasa watchlist ng City Anti-Illegal Drug Group.

Batay sa ulat, isinagawa ang buy-bust operation sa Labsan St. Interior ng Brgy. Kayang, Baguio City at nanlaban umano ang dalawa sa mga ope­ratiba. Kapwa bumulagta at namatay ang dalawa mula sa mga tama ng bala.

Inihayag ni Baguio City Police chief Sr. Supt. George Daskeo na unang nagpaputok ng baril ang mga suspek sa mga operati­ba kaya napilitang gumanti ng putok ang mga pulis.

Samantala, nagpaha­yag ang pamilya ng nasawing si Baykin na maghahain sila ng reklamo laban sa mga opera­tiba na nakapatay sa kanilang anak.

“Kung sino man ‘yung pulis na yumari sa anak ko pasensyahan nalang tayo. Magfa-file ako ng kaso, hindi tama ang ginagawa nila. Ang bata ng anak ko bakit dinamay nila,” pahayag ng amang si Regie Baykin.

“Justice for my son Richter Chongrich Baykin…. Dear God nd ko ni kaya pls nd kami pg ga­bay eh…give me strength to face the reality,” post naman ng ina ni Baykin na may Facebook account name na Rhodora Ramos.

“As a mother this is very painful indi ko kaya jong I’m really sorry jong I don’t want this to happen I just can’t forget your words each time I get mad at you. and you will tell me ma tama na pa­ngakig bala tulog na ky ara nko pag bugtaw mo.

I love you mama … so painful nd ko na na ma batian liwat. Jong thank you for understanding me palangga ka gd ni mama kg sng ta­nan ma miss ka namun Ta­nan lalo na ni rich.

You will always be here in my heart I love you so much Richter Chongrich Baykin this is so hard and painful to say as a mother son you may rest in peace, till we meet again I LOVE YOU SO MUCH,” ayon pa sa ina.

Ilang netizens din ang nagpaabot ng pakikidalamhati sa pamilya ng nasawi. Ang iba ay nag-post ng panawagan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng bina­tilyo.