16 Chinese nadale sa salpukan ng 2 bangka

16 Chinese nadale sa salpukan ng 2 bangka

Nasagip ng Philippine Coast Guard ang 16 turistang Chinese matapos magkabanggaan ang dalawang bangka kung saan isa sa mga ito ay sinasakyan ng mga biktima sa Malay, Aklan noong Huwebes.

Sa inisyal na report mula sa Police Regional Office 6, sinasabing sumalpok ang island hopping tour boat MBCA LMJ sa service boat FB Jin Ju sa Bolabog Beach.

Bunga noo’y nasugatan ang nasabing bilang ng mga Chinese.

Agad namang rumesponde ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard sa insidente na ikinasalba ng mga biktimang pawang lulan sa MBCA LMJ boat.

Ang mga biktima ay pawang nakaratay ngayon sa Ciriaco S. Tirol hospital at nilalapatan ng lunas.

Kaugnay nito’y agad namang dinala sa PCG headquarters ang dalawang kapitan ng bangka para imbestigahan sa naganap na salpukan.