17-anyos pusher minura ang pnp sa fb, inaresto

Dinala sa pangangalaga ng Bahay Aruga ang isang 17-anyos na binatilyo matapos lagakan ng warrant of arrest sa kasong pagbebenta ng shabu at pagmumura sa pulis sa pamamagitan ng pag-post sa social media, Martes nang hapon sa Pioneer Avenue, Mandaluyong City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), inaresto ang binatilyo sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Carmencita Lacandazo Logan, assisting judge ng RTC Branch 159, Pasig City, alas-5:15 Martes nang hapon sa Boni-Pioneer, Mandaluyong City.

Nabatid na una nang naaresto ang binatilyo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, pero pansamantalang pinalaya. Gayunman, nag-post umano ang binatilyo sa social media, kung saan minumura ang mga pulis na humuli sa kanya.

Sinabi umano nito na, “Fuck the Police” na nag-viral sa Facebook at agad napansin ng pulisya kaya gumawa ng agarang aksyon laban sa binatilyo. (Vick Aquino)