Labimpitong Chinese ang dinakip dahil sa iligal na pag-ooperate ng negosyo sa Valencia City, Bukidnon.
Kinilala ng pulisya ang naarestong sina Jin, Kuang Cai; Zheng, Chu Bao; Sy, Hill; Ta, Bryan; Ta, Jems; Co, Sevee; Zia, Anna; Chan, Junior; Hui, Jacky; Hui, Hehry; San, Joseph; Lee, Alvin; Chua, Ekin; Tan, Shao Hua; Lin, Kim; Homy, Andre; at Wee, Are.
Ayon kay P/Col. Surki Sereñas, Valencia police chief, ang nasabing mga Tsino na nasa bansa na may hawak lang na tourist visa ay nabistong nagsasagawa ng iligal nilang retail business nang walang kaukulang permit sa lokal na awtoridad.
Ang nasabing mga dayuhan ayon kay Sereñas ay nakorner sa tulong na rin ng puwersa ng Bureau of Immigration.
“[The] Chinese nationals were apprehended due to incomplete immigration documents and were subsequently turned-over to Bureau of Immigration for appropriate action,” dagdag pa nito. (PNA)