17 kalsada sa Cordillera sinira ni Karen

Aabot sa 17 kalsada sa bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 2 at 3 ang sarado dahil sa epek­to ng nagdaang bagyong Karen.

Sa pinakahuling ulat na ipinadala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Bureau of Maintenance, hindi na madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan kabilang na ang Kennon Road na pangunahing daan papunta sa Baguio.

Sinasabing sinira ng bagyo ang ilang tulay dahil sa pag­ragasa ng putik at mga bato gayundin ang pagharang ng ilang puno at utility posts.

Sa inisyal na pagtatala ng DPWH ay aabot sa P22.7 mil­yon ang naging danyos sa mga nasirang kalsada at tulay.

Tuluy-tuloy naman ang isinasagawang clearing operations ng DPWH at aasahang babalik sa normal depende sa pagbuti ng panahon.