17 pasyente sa Baguio gumaling sa COVID

Labing pito sa 18 kaso ng COVID-19 sa Baguio City ang naka-recover at malapit nang gumaling.

Sa panayam ng kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong ito ay magandang balita. Anya sa 18 kaso labing dalawa rito ay gumaling o naka-recover na samantala ang 5 nasa ospital ay on the way na rin sa recovery. Isa ang naitalang namatay na may sakit ding diabetes .

Sa bilang na ito, dalawa umano rito ay nakuha ang infection sa dalawang frontliner na nagpositibo.

Mahigpit pa rin umano ang isinasagawang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa lugar.

“Katunayan, alas-tres ng hapon pa lang wala nang tao sa kalsada,” pahayg ni Mayor Magalong.

Nagpapatuloy rin umano ang cotact tracing ng mga nakasalumuha ng mga nagpositibo sa virus at wala ring nakikitang suliranin sa quarantine site, ayon pa sa alkalde. (Riz Dominguez)